-- Advertisements --
Inilunsad ng Vatican ang makabagong paraan para makapagdasal ng Rosary.
Ito ay pamamagitan ng “Click to Pray eRosary” kung saan nakakonekta ang app sa isang Rosary na isusuot bilang bracelet.
May tatlong uri ng Rosary na puwedeng pagpilian ng mga gagamit nito, ito ay sa pamamagitan ng standard rosary, contemplative rosary o Thematic rosary.
Isinabay ang nasabing paglunsad ng makabagong uri ng rosary dahil ngayong Oktubre ay itinuturing na month of the Rosary.
Isa rin itong paraan ng Vatican para makisabay sa mga makabagong henerasyon.
Mabibili ang nasabing eRosary sa halagang $110 o mahigit P5,000.