Nakaranas si Pope Francis ng bronchospasm habang ito ay nasa Gemelli hospital.
Ayon sa Vatican, na dahil dito ay biglang lumala ang kaniyang respiratory condition at ito ay nagsuka pa.
Dahil dito ay agad nmang isinailalim ang 88-anyos na Santo Papa sa bronchial aspiration para malinisan ang kaniyang paghinga.
Inilagay din siya sa non-invasive mechanical ventilation na nagresulta sa pagganda ng kaniyang oxygen level.
Naging alerto naman ang Santo Papa at ito ay nakikipag-kooperasyon sa anumang utos ng mga doctor.
Patuloy na nakaalerto ang mga doctor sa lagay ng Santo Papa kung saan sinabi nila na hindi nito kritikal kumpara noong mga nagdaang mga araw.
Nagpapatuloy din ang mga ginagawang pagdarasal ng rosary sa Vatican ganun din ang mga pagbisita ng mga mananampalataya sa harap ng pagamutan na nagbibgay sila ng mga bulaklak at mga sulat para sa agarang paggaling ng Santo Papa.