-- Advertisements --

Nanawagan na ang Vatican sa Iran na huwag ng ituloy ang anumang pagganti sa Israel para hindi na lumala pa ang tensyon sa Middle East.

Sa ginawang pag-uusap telepono ni Vatican Secretary of State Cardinal Parolin kay Iranian Masoud Pezeshkian, na labis na nababahala ang Holy See sa paglawak ng kaguluhan sa Middle East.

Mahalaga aniya na isipin ng Iran ang maaaring idulot nito lalo na at tiiyak na darami ang mga masasawing sibilyan.

Magugunitang makailang ulit ng umapela na rin si Pope Francis sa kaniyang misa na dapat ay iwasan na ang anumang tensiyong na nagaganap sa Middle East.