Dapat umanong pag-isipan na ng Simbahang Katolika ang pagpayag sa mga pari nito na magpakasal, ‘yan ang inihayag ni senior Vatican official and advisor to Pope Francis Archbishop Charles Scicluna ng Malta.
Dagdag pa ni Scicluna, sa kasaysayan ng simbahan ay pinapayagang magpakasal ang mga pari noong first millenium.
Kung siya raw ang magdedesisyon ay aalisin na niya ang pagbabawal sa mga pari na magpakasal dahil maraming mga magagaling na pari umano ang umalis na ng simbahan dahil pinili ng mga ito ang magpakasal.
Hindi naman daw dapat alisin ang celibacy sa simbahan ngunit kailangan ding isaalang-alang na minsan ay umiibig ang isang pari.Kapag nangyari ito ay kailangan na aniyang mamili ng pari sa pagitan ng kanyang bokasyon at iniibig.
Ang bagay na ito ay ilang siglo ng pinagdedebatehan sapagkat mayroong mga denominasyon ng Katoliko na pinapayagang magpakasal ang kanilang pari tulad ng Eastern Rite of the Catholic Church, Orthodox, at Protestant.