-- Advertisements --
Mahigpit ngayon na pinagbabawalan ng Vatican ang mga manggagawa nito sa St. Peter’s Basilica na magkaroon ng tattoo o body piercing na nakikita.
Layon ng nasabing kautusan ay para magkaroon ng ‘decorum’.
Ang nasabing regulasyon ay epektibo sa mga nasa 170 na manggagawa ng Fabbrica di San Pietro ang department na in-charge sa basilica.
Ayon kay Father Enzo Fortunato ang namumuno sa communications ng basilica na noon pa ito ipinapatupad pero sa ibang anyo lamang.
Tinawag lamang nito na walang katotohanan ang usapin na bawal na rin na magtrabaho sa Basilica ang mga may karelasyon na hindi kasal.