-- Advertisements --

Inanunsyo ng Vatican na magsisimula na sa mga susunod na raw ang kanilang COVID-19 vaccination campaign.

Sa isang pahayag, sinabi ng Vatican na magiging prayoridad sa pagpapabakuna ang mga health workers, mga matatanda, at mga personnel na laging nakikisalamuha sa publiko.

Magsisimula umano ang inoculation sa ikalawang kalahati ng Enero.

Hindi naman binanggit sa press release si Pope Francis at kung kasama ang 84-anyos na Santo Papa sa mga mababakunahan.

“It is foreseeable that the vaccines could arrive in the State in the second week of January, in a sufficient quantity to cover the needs of the Holy See and the Vatican City State,” saad sa pahayag.

Bumili na rin aniya ang Vatican ng low temperature refrigerator para maging imbakan ng bakuna.