Nagpahayag ng mariing pagtutol ang Vatican sa aborsyon, surrogacy, gender theory kasama na ang diskriminasyon laban sa mga taong parte ng LGBTQ community.
Ayon sa Vatican, ito ay itinuturing umano bilang isang paglabag sa dangal ng tao.
Sa inilabas na ‘Infinite dignity’, isang 20-pahinang dokumento na sinang-ayunan ni Pope Francis, nakapaloob ang pagtutol ng Vatican sa criminalization ng homosexuality na patuloy pa ring nararanasan sa maraming bansa partikular na sa Africa.
Ayon sa head of dicastery na si Victor Manuel Fernandez, hindi raw masyado napag-uusapan ang mga paglabag sa karapatang pantao at tila masakit isipin na ang ilan sa mga Katoliko ay sumusuporta rito.
Samantala, tila hindi naman sapat sa ilang grupo ng mga Katoliko na sila ring kabilang sa LGBTQ ang nakasaad sa nasabing dokumento dahil hindi naman daw ito na-a-apply sa mga taong may iba’t ibang mga kasarian.
Kung maaalala, matagal nang ipinaglalaban at ipinagdidiinan ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagiging bukas ng simbahan sa lahat at maging sa mga miyembro ng LGBTQ kahit na marami pa ring mga konserbatibong grupo na may ibang pananaw at paniniwala.