-- Advertisements --

Umaasa ang Vatican na sa mga susunod na araw ay papayagan na ng mga doctor na makalabas na ng pagamutan si Pope Francis.

Nagpapatuloy aniya ang improvements ng kalusugan ng 88-anyos na Argentinian Pope kumpara noong nakaraang mga linggo.

Tinanggal na rin nila ang paggamit ng non-invasive mechanical ventillation at binawasan na rin ang paggamit ng high-flow oxygen therapy.

Nagkakakroon din ng pagganda ang resulta ng paggamit ng Santo Papa ng motor at respiratory physiotherapy.

Nitong Miiyerkules ay kabilang din ang Santo Papa na nangasiwa ng Misa para sa kapiyestahan ni San Jose.

Magugunitang noong Pebrero 14 ng itakbo sa pagamutan ang Santo Papa dahil sa double pneumonia.