-- Advertisements --

Umaasa ang Vatican na magtutuloy-tuloy na magiging stable ang lagay ng kalusugan ni Pope Francis sa tatlong linggong pananatili nito sa pagamutan.

Ayon sa Vatican na kumpara noong mga nagdaang araw ay stable na ito at hindi na nakaranas pa ang 88-anyos na Santo Papa ng anumang problema sa paghinga.

Naging maganda naman ang resulta ng isinagawang Hemodynamic parameters at blood tests.

Ganun pa man ay nananatiling nakabantay ang mga doctors nito.

Pinagpapalitan ng Argentinian pope ang pamamahinga at pagdarasal at patuloy din ang pagtanggap nito ng Eukaristiya.