-- Advertisements --
Plano ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na tanggalin na ang mga priority list sa pagpapaturok ng mga COVID-19 vaccine.
Sa nasabing hakbang aniya ay mabilis na matuturukan ang mga nakakarami sa bansa anumang antas ang kanilang kinabibilangan.
Sa naging pulong din ni Galvez sa mga private sector ay lumabas ang suhestyon na “vax to the Max”.
Ang naturang hakbang ay babakunahan na ng gobyerno ang lahat ng mga nais na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Magugunitang sinusunod kasi ng gobyerno ang naging panukala ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ng priority listing sa pagpapabakuna na ang unahin ay yaong mga healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities, economic frontliners at indigent populations.