-- Advertisements --
JONES vcm

(Update) CAUAYAN CITY – Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Jones police station sa nangyaring pagsunog ng mga armadong lalaki sa vote counting machine (VCM) at election paraphernalia na dadalhin sana kaninang alas-6:00 ng umaga sa municipal hall ng Jones.

Sinasabing hinarang ng mga hindi pa nakilalang suspek ang sasakyan ng mga miyembro ng board of election inspector (BEIs) na dala ang mga election paraphernalia na kinabibilangan ng 200 ballots na hindi pa nabasa mula sa barangay Dicamay 1 at Dicamay 2, Jones, Isabela.

Nangyari ang pagharang ng mga suspek sa Sta. Isabel, Jones, Isabela kaninang 6:20 ng umaga.

Natanggap ng Jones police station ang tawag ni board of election inspector Arlyn Borromeo Santos hinggil sa pagharang ng mga suspek sa kanila habang patungo sa munisipyo.

Ang sinakyan umanong dumptruck ng mga suspek ay iniharang sa daan sa Sta. Isabel, Jones, Isabela.

Samantala, tumanggi muna si provincial election supervisor Michael Camangeg na magbigay ng pahayag sa nangyaring pagsunog sa VCM at 200 unread ballot sa bayan ng Jones na idineklarang election hotspot o red category