Sisimulan nang ipadala ngayong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan na ring ilagay sa mga truck ang mga VCM at ballot boxes.
Uunahing hatiran ng mga gamit ang nasa malalayong lugar, island municipalities at mga nasa bulubunduking lugar.
Habang huli namang ide-deploy ang para sa Metro Manila.
Inimbitahan naman ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang mga kinatawan ng political parties, stakeholders at media para mapasaksihan ang nabanggit na aktibidad.
Samantala, magpapatuloy hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril ang paghahatid ng naturang mga kagamitan sa mga warehouse sa buong kapuluan.
Ang paghahatid sa mga bodega ng transportasyon ay magpapatuloy sa unang dalawang linggo ng Abril.
Inimbitahan din ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political parties, stakeholders, at media na saksihan ang sealing ng mga trak na maghahatid ng automated election system (AES) supplies.
Mula sa mga bodega ng transportasyon, ang mga supply ng automated election system ay ihahatid sa huling milya o sa mga presinto ng pagboto “sa tamang oras”.