-- Advertisements --

Isasagawa ang vote counting machine demo o ang mock voting exercise ng Commission on Elections (COMELEC) hanggang bukas na lamang, Linggo, Abril 24.

Ginawa ang nasabing aktibidad upang maging pamilyar ang mga botante sa kung paano ang magiging takbo ng halalan sa Mayo 9.

Sa isinagawang mock voting exercise, kapansin-pansin na iba-iba ang mga gamit na pangalan ng mga kandidato sa balota.

Kinakailangan lang na sakto sa hugis bilog ang shading gamit ang marker mula sa COMELEC upang maiwasang ma-void kapag ipinasok na sa VCM.

Personal naman na binisita at sinaksihan ni Commissioner Aimee Ferrolino at COMELEC Spokesman James Jimenez ang isinasagawang mock voting sa isang malaking mall sa North EDSA.

Naniniwala ang mga commissioner na magandang pagkakataon ito lalo na sa mga first time voters upang magkaroon sila ng mas malawak na pananaw sa kung paano tatakbo ang botohan sa mismong araw ng halalan.