Binigyang linaw ng Commission on Elections na hindi na nila muling gagamitin sa 2025 Elections ang mga Vote Counting Machine na binili ng kanilang ahensya sa kumpanyang Smartmatic.
Kung maaalala, isang task force ang binuo ng COMELEC upang imbestigahan ang umano’y kwestyonableng bidding at procurement procedure na naturang makina na ginamit noong nakaraang national elections.
Una nang sinampahan ng reklamong money laundering sa US ang dating kalihim ng COMELEC na si Andy Bautista.
Tumanggap umano ito ng pera bilang suhol mula sa poll technology company upang mapunta sa kanila ang kontrata.
Ayong naman kay COMELEC Chair George Garcia, bagamat hindi na gagamitin ang mga VCM ay hindi pwede i- diskwalipika ang smartmatic kung sakaling sumali itong muli sa bidding.
Tiniyak rin ng opisyal na ang mangyayaring bidiing ay bukas sa lahat at ang lahat ay mabibigyan ng patas na pagkakataon.