MANILA – Bago matapos ang buwan ng Hulyo ay tapos na ang clinical trial ng virgin coconut oil sa Philippine General Hosptal (PGH).
Dela Peña says the clinical trial on virgin coconut oil, also as supplement vs COVID-19, will likely conclude by the end of July. The study on moderate and severe cases at PGH is still ongoing, he adds. | @BomboRadyoNews
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 30, 2021
Ito ang sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aaral ng VCO sa moderate at severe COVID-19 patients ng ospital.
“Hopefully matapos na natin yan within the month of July,” ani Science Fortunato de la Peña sa Laging Handa public briefing.
Paliwanag ng kalihim, malaking hamon sa pag-aaral ang pagmo-monitor sa mga naka-enroll na pasyenteng may comorbidity o iba pang sakit.
Kung maaalala, sinali na rin ng ahensya ang mga COVID-19 patients na may comorbidity sa pag-aaral sa PGH.
“Ina-analyze yung kanilang comorbidity kaya mas maliit ang porsyento ng nagka-qualify sa trials.”
“Nagkaroon din ng mga buwan na kaunti ang admission ng mga severe at moderate, tapos nagkasunog pa sa PGH.”
May 78 pasyente na naka-enroll sa pag-aaral ng DOST sa ospital para sa virgin coconut oil.
Noong Disyembre, inanunsyo ng Science department na nakatulong ang VCO sa paggaling ng mga probable at suspected COVID-19 cases ng Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna.
Ang Food and Nutrition Research Institute, na attached agency ng DOST ang naglunsad ng pag-aaral.