LEGAZPI CITY – Nagpapakita ng “promising results” sa unang mga bahagi ng clinical trial ang virgin coconut oil para sa mga asymptomatic at may mild symptoms ng coronavirus disease, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Nabatid na may inilunsad na community-based trial sa Sta. Rosa, Laguna at hospital-based trial sa UP-Philippine General Hospital sa Maynila upang makita kung epektibo at ligtas gamiton ang VCO bilang gamot sa COVID-19.
Ayon kay Doms Peña, DOST Bicol research specialist 2 sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, posibleng matapos ang trial sa Laguna sa Disyembre habang sa unang quarter ng 2021 ang sa UP-PGH.
Habang hindi pa tapos ang pag-aaral, tinitingnan muna ang VCO bilang alternatibo gaya ng gamit ng bitamina at ‘di pa maituturing na gamot sa COVID-19.
Unaasa naman si Peña na mapatunayan na ang gamitng VCO laban sa virus na “readily available” sa Pilipinas partikular sa Quezon at Bicol.
Habang nagpapatuloy ang trials, nagi-inventory naman ang DOST-Bicol sa mga producers na ngayon ay nasa pito na dahil sakaling mapatunayang epektibo at magkaroon ng pagtaas sa demand ng VCO, handa na ang rehiyon.