BAGUIO CITY – Bumaba ang mga kaso ng Vehicular Traffic Accident (VTA) na naitala sa Tuba, Benguet.
Sakup ng nasabing bayan ang tatlong pangunahing kalsada na ginagamit papasok at palabas ng Baguio City na kinabibilangan ng Marcos Highway, Kennon Road at Naguilian Road.
Batay sa datus ng Tuba Municipal Police Station, naitala ang 154 na kaso ng VTA mula Enero hanggang Agosto 20 ng kasalukuyang taon mula sa 194 na kaso sa kaparehong buwan noong 2018.
Sa mga VTA ngayong taon ay kadalasang nagresulta sa damaged to property na aabot sa 107 na kaso, physical injury na 41 na kaso at homicide na anim na kaso.
Kahit bumaba ang kaso ng VTA ay nagpaalala pa rin si Police Major James Acod, hepe ng Tuba MPS para sa pag-iingat ng mga motorista lalo na ngayon na masama ang lagay ng panahon.