Dalawang aspirants na lamang umano ang pinagpipilian ng Party-list Coalition para kanilang suportahan sa Speakership race sa 18th Congress.
Ayon kay PBA Party-list Rep. Jericho Nograles, sina Marinduque Rep. Lord Allan Velaso ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, at Leyte Representative-elect na Martin Romualdez ng Lakas–Christian Muslim Democrats ang pinagpipilian ng kanilang grupo.
Nagdesisyon aniya ang mga party-list congressmen na sina Velasco at Romualdez na lamang ang pagpilian dahil ang mga ito lamang ang tunay na seryoso sa Speakership race.
Bukod dito, “prevailing sentiment†din aniya sa pagitan ng mga party-list members na ang naturang dalawang kongresista lamang din ang may malakas na koneksyon sa mga party-list groups.
Naniniwala si Nograles na sinumang manalo kina Romualdez at Velasco sa Speakership race ay mabibigyan ng patas na pagtrato ang mga party-list congressmem.
Ilan daw kasi sa mga nagnanais na maging susunod na lider ng Kamara ay mababa ang tingin sa kanilang mga miyembro ng Party-list Coalition, pero tumanggi na ang kongresista na pangalanan kung sino ang tinutukoy nito.
“Some wannabes who have tried o reach out to us obviously have a different view about party-list groups,†ani Nograles.
Nabatid na kabilang sa mga maugong na pangalan na nagnanais maging susunod na Speaker ng Kamara ay sina Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano, Davao Rep. Pantaleon Alvarez, at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong†Gonzales.