-- Advertisements --
Lord Allan Velasco
Lord Allan Velasco

Walang nakikitang masama si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na tutol siya sa term sharing agreement para sa House speakership.

Sa panayam kay Velasco pagkatapos ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Velasco na binibigyan diin lamang ng presidential son ang kanyang posisyon ukol sa term sharing.

Magugunita na si Velasco ang inanunsyo ni Pangulong Duterte na papalit kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano pagkatapos ng 15 buwang termino bilang lider ng Kamara.

Pero sa plenary session ng Kamara nitong Lunes ng umaga, sinabi ng nakababatang Duterte na sa oras na magbitiw ang incumbent speaker pagkatapos ng 15 buwan, kailangan nilang maghalal ng susunod na lider.

Para kay Velasco, tinutukoy lamang ni Pulong ang House rules sa speakership post na kailangan masunod.

“Under the rules of the House, there’s no automatic succession. It’s a given that when there’s a new Speaker, there has to be an election,” saad ni Velasco.

Gayunman, sinabi ng kongresista na ipapaubaya na lamang niya s amga kapwa niya miyembro ng Kamara na pagdesisyunan kung sino ang kanilang ibobotong Speaker.