Itinalaga bilang pinuno ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Sa isang statement, nagpaabot ng pasalamat si Velasco matapos mapili bilang lider ng mga PDP-Laban congressmen sa mababang kapulungan.
Ayon sa kongresista, magandang pagkakataon ang pagkakatalaga sa kanya sa posisyon para mapalakas ang hanay ng kaalyado ng pangulo sa Kamara.
“This fresh step by the party leadership is a welcome development, as this will further strengthen unity and camaraderie among PDP-Laban members,” ani Velasco.
“I am humbled and honored by the decision of the leadership of PDP-Laban to appoint yours truly as party head in the House of Representatives.”
Umaasa ang Marinduque congressman na mapagkakasundo niya ang 69 na kapwa PDP-Laban members sa Lower House lalo na sa usapin ng pagbalangkas ng mga panukala na pakikinabangan ng publiko.
“With 69 members of PDP-Laban in the House, this new setup will ensure that we move in one direction in taking a party stand on vital issues, but more importantly in supporting the legislative agenda to improve the lives of the Filipino people.”