Pinabulaanan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siya ang nasa likod ng sinasabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na coup d ‘etat sa liderato ng Kamara.
Sa isang statement, binatikos ni Velasco ang aniya’y “baseless report” na may ouster plot laban kay Cayetano, na ikinakalat aniya sa ngayon ng ilang grupo na may interes sa pamamalakad sa Kamara.
Ang haka-haka na ito ay naglaayong lamang na hatiin at idiskaril ang legislative agenda ng Duterte administration.
“To my kababayans, these reports are far from the truth. The reports were meant to create deep division within the House of Representatives and its members, destroy camaraderie, distract lawmakers from fulfilling their mandate, and more importantly, derail the key legislative agenda of the Duterte Administration,” ani Velasco.
Tiniyak naman nito sa publiko na gagalangin pa rin niya ang term-sharing agreement nila ni Cayetano, na nakatakdang bumaba sa speakership post sa darating na Oktubre.