-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.

Ginawa ang oathtaking sa Palasyo ng Malacañang.

Kasama ni Speaker Velasco ang kanyang pamilya at kasamahan sa Kamara.

Dumalo rin sa oathtaking si Sen. Bong Go.

Magugunitang naging kontrobersyal at nabalot ng drama ang pag-upo ni Velasco matapos ayaw bitawan ang speakership ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.