-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Yusop Abas Kusain,44 anyos,may asawa at residente ng 2nd road Don E. Sero Street Barangay Rosary Heights 5 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang naglalakad ang biktima sa 3rd Road Don E.Sero Street Brgy RH 5 ng lungsod nang bigla itong lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng kanilang dalawang motorsiklo.

Naisugod pa ang biktima ng kanyang pamilya sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Rommel Javier sa pamamaril patay sa biktima.