-- Advertisements --
Tatanggalin ng Venezuela ang kanilang German ambassador dahil sa alegasyon ng pakikialam sa kanilang internal affairs.
Isa kasi si Daniel Kriener sa mga diplomats na tumulong kay opposition leader Juan Guaido na makabalik sa Venezuela sa pamamagitan ng pakikipagkita sa paliparan.
Kinikilala kasi ng Germany si Guaido bilang interim president na itinuturong magdadagdag ng tensiyon sa bansa.
Samantala tinanggal ng US ang visas ng 77 katao na sangkot sa pakikipag-alyansa kay Nicolas Maduro.
Kabilang dito ang ilang mga government officials ng Venezuela at kanilang mga pamilya.