Nangako si Venezuelan President Nicolas Maduro na tatalunin daw nito ang “crazed minority” na nais siyang mapaalis sa kapangyarihan.
Sa talumpati nito sa ikaanim na anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang predecessor at political mentor na si Hugo Chavez, sinabi ni Maduro na nagluluto umano ng kudeta ang mga kasapi ng oposisyon na may tulong mula sa Estados Unidos.
“While a crazed minority continues with their hatred, with their bitterness, it’s their problem. We won’t pay attention to them, compatriots,” wika ni Maduro.
“Let the crazy minority continue with their bitterness, we’ll defeat them. For Chávez we’ll do it, for the great history of the country we’ll do it.”
Sa kanyang hamon naman kay opposition leader Juan Guaidó, nanawagan ng “anti-imperialist marches” si Maduro upang itapat sa mga anti-government protests.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Maduro buhat nang magbalik si Guaido sa Venezuela kahit na may umiiral na travel ban.
Samantala, ikinokonsidera ng US na magpataw ng panibago na namang sanctions sa Venezuela upang mapilitan si Maduro na bumaba sa puwesto. (BBC)