-- Advertisements --
Nagmatigas si Venezuelan opposition leader Juan Guaidó na hindi ito matitinag sa ginagawang pang ha-harrass sa kaniya ng gobyerno.
Kasuno ito ng pagtanggal sa kaniya ng parliamentary immunity.
Nangangahulugan nito na maaari na siyang maaresto sa mga kasong kinakahrap nito.
Sinabi ni Guaidó na hindi ito titigil at alam niyang kasama niya sa paglaban ang maraming Venezuelans.
Iginigiit nito na hindi dapat kilalanin ang panalo ni President Nicolas Maduro dahil ito ay kinukuwestiyon.
Nagpaplano ngayon ito ngayon ng malawakang kilos protesta sa araw ng Sabado na tinagurian niyang “Operation Freedom”.
Magugunitang bukod sa U.S. ay mayroong 50 bansa ang kumikilala kay Guaido bilang interim president.