Nanumpa na sa kaniyang ikatlong termino si Venezuelan President Nicolas Maduro.
Isinagawa ang panunumpa nito sa isang maliit na kuwarto sa National Assembly na kakaiba mula sa mga nagdaang termino nito na ginagawa sa main hall ng gusali.
Ang nasabing panunumpa ay kahit na patuloy ang isinagawang kilos protesta ng mga opposition na kumkuwestiyon sa resulta ng halalan.
Pinangunahan ni National Assembly leader Jorge Rodriguez ang panunumpa ni Maduro.
Dumalo sa nasabing panunumpa nito sina Nicaraguan President Daniel Ortega at Miguel Diaz-Canel ng Cuba.
Sa talumpati nito na ang kapangyarihan na ibinagay sa kaniya ay hindi galing sa ibang bansa.
Noong Hulyo 28 ng ideklarang nanalo sa halalan si Maduro subalit hindi sang-ayon ang katunggali nito na si Edmundo Gonzalez kaya nagsagwa sila ng kilos protesta.
Nanguna ang US at ibang mga bansa na naniniwalang dinaya ni Maduro ang resulta ng halalan.