Patuloy na naninindigan si Venezuelan President Nicolas Maduro na hindi kailanman bababa sa kanyang puwesto sa gitna ng muling pagsiklab ng kaguluhan sa kanilang bansa.
Pahayag ito ng 56-year-old embattled president, sa halos isang oras na kanyang talumpati kaninang umaga oras sa Pilipinas o gabi naman sa Venezuela kung saan napapaligiran siya ng military and political elite.
Tahasang idineklara ni Maduro na bigo ang opposition leader at self-proclaimed acting president na si Juan Guaido sa tangkang pagpapatalsik sa kanya kahit pa suportado na ng ilang government troops.
Ayon pa kay Maduro, asahan na mananaig ang kanyang liderato sa mga susunod na buwan at taon dahil nasa panig pa rin niya ang karamihan sa mga mamamayan ng Venezuela.
“They failed in their plan. They failed in their call, because the people of Venezuela want peace. We will continue to emerge victorious … in the months and years ahead. I have no doubt about it,†ani Maduro sa wikang Spanish.
Dagdag nito, “I want to congratulate you for the firm, loyal and courageous attitude with which you have led the defeat of the small group that tried to fill Venezuela with violence. Factors from the right wing of the Popular Will terrorist party led the coup d’etat.”
Nabatid na kinondena na ng Cuba at Russia ang karahasan at sinuportahan pa rin ang kasalukuyang administrasyon, pero ang Estados Unidos naman ay nagpahayag ng suporta sa 35-year-old opposition leader.
Samantala, mahigit na sa 70 katao ang nagtamo ng injury bunsod ng bakbakan sa pagitan ng mga regime loyalists at protesters na agad naman daw dinala sa Salud Chacao Medical Center sa kabisera na Caracas.
Sa nasabing bilang, 42 ang nasugatan dahil sa rubber bullets habang ang dalawa ay napuruhan ng gunshot wounds. (CNN/theguardian)