-- Advertisements --
VENICE, Italy – Literal na binaha ang ilang bahagi ng Venice, kasama na ang kanilang government offices, ilang sandali lang matapos ibasura ang mga hakbang para labanan ang climate change.
Kasama sa inabot ng baha ang pinagdausan ng Veneto regional council na Ferro Fini Palace, malapit sa Venice’s Grand Canal.
Ayon kay Andrea Zanoni, council member at chairperson ng environment committee, dalawang minuto lamang ang lumipas, makaraang ma-reject ang panukala para resolbahin ang mga problema pagbabago ng panahon, nang biglang pumasok ang tubig sa mismong lugar ng pagpupulong.
Sinisi ni Zanoni si Luca Zaia, ang regional president ng Veneto dahil sa pagprisenta ng regional budget na wala man lang matibay na aksyon para labanan ang climate change.