-- Advertisements --
Miss Earth Philippines 2018 beauties
Miss Earth 2019

NAGA CITY- All set na ang gagawing Miss Earth 2019 sa Jesse M. Robredo Coliseum sa Lungsod ng Naga sa darating na Oktubre 26, 2019.

Sa pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, sinabi nitong napii ang lungsod na maging venue ng naturang prestihiyosong kompetisyon dahil sa pagiging ‘world class ‘ ng lugar.

Aniya, tinitingnan din ng organizer ng Miss Earth ang lungsod bilang perfect place para sa mga international event.

Ang JMR Coliseum ang kayang i-accomodate ang nasa 12,000 na mga bisita kasama na ang mga delegates at supporters ng bawat kandidata.

Una rito, nagkaroon ng kalituhan sa magiging venue ng naturang event dahil inakala ng lahat na sa lungsod ng Legazpi gagawin ang kompetisyon ngunit nilinaw nito na wala namang conflict sa pagitan ng dalawang lungsod.

Samantala, kaabang-abang naman ang umano’y pagbibigay aliw ng International singer na si Bruno Mars habang napipisil naman si Billy Crawford at Troy Montero bilang host sa araw ng coronation.