Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.
Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.
Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung magkakaroon ng problema sa seguridad ay tiyak na sa loob ng stadium na nila ito gagawin.
Inaasahan kasi na mahigit 10,000 na atleta ang maglalayag sa anim na kilometrong katubigan ng Seine river lulan ng 160 barges.
Sa unang plano ay pinayagan ng organizers ang nasa 600,000 na mga katao ang manonood ng ceremony sa gilid ng ilog hanggang ito ay binawasan at ginawang 300,000 katao lamang.
Hindi na bibigyan ang mga turista ng free access na makapanood ng ceremony at sa halip ay magiging by-invitations na lamang ang tickets.
Itinaas ng mga otoridad ang security alerts matapos ang banta ng Islamic State group sa Champion League quarter-finals football matches sa Paris, Madrid at London.
Pagtitiyak naman ni Macron na mayroon mga nakalatag silang Plan B at C sakaling lumala ang security threats.