Nasa 99.5 percent na umanong handa ang skateboarding venue ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sinabi ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendigoria, mula pa noong nakaraang linggo ay nag-eensayo na ang kanilang koponan sa Tagaytay street and park courses.
Unang beses kasi isasagawa ang skateboarding sa SEA Games gayundin sa Olympics na gaganapin sa Tokyo sa susunod na taon.
Darating naman sa Miyerkules si skateboarder Margie Didal at Kiko Francisco kasama ang kanilang coach na si Daniel Bautista mula sa Rio de Janeiro, Brazil.
Habang sa susunod namang linggo ay darating sa bansa si Filipino-American Cristiana Means mula sa Oregon na siyang kabilang din sa nasabing koponan.
Nasa bansa na si Jefrrey Gonzales na nagsanay sa ibang bansa, ganon din ang apat na miyembro ng downhill skateboarding team na pinangungunahan nina Jaime Delange at Abigail Veloria.
Makakaharap ng Pilipinas ang mga bigating pambato rin ng Indonesia, Thailand, Myanmar, Malaysia Singapore at Vietnam sa SEA Games.