-- Advertisements --
Ikinasal na si 2010 Miss Universe 4th runner-up Venus Raj sa non-showbiz na nobyo na si North Orillan.
Sa social media account ng photographer na si Pat Dy ay ibinahagi nito ang ilang larawan ng dalawa.
Suot ni Venus ang puting wedding gown na gawa ng sikat na designer na si Francis Libiran.
Taong 2021 ng magtapos si Venus sa Oxford Center for Christian Apolgetics sa Oxford, England kung saan doon niya nakilala ang nobyo.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa ilang showbiz personalities at sa mga followers ng beauty queen.