-- Advertisements --

Nalulungkot ang Pinay beauty queen na si Maria Venus Raj matapos makatanggap ng ilang batikos kasunod ng pagbahagi ng ilan din sa mga “major major mistakes” na nagawa niya sa buhay.

Ayon sa ngayo’y 33-year-old half Indian beauty mula Bicol, gaano man kakontrobersyal kung ituring ng iba ang mga nakalipas niyang pagkakamali ay patunay ito na totoong mayroong pangalawang pagkakataon para magbago.

Hindi aniya siya nagpakabilanggo sa nakaraan, bagkus ay lumapit muli ito sa Diyos upang magabayan sa tamang landas.

Para sa 2010 Miss Universe fourth runner-up, sadyang magkakaiba ang pananaw ng mga tao sa buhay pero mensahe nito partikular sa mga kababaihan:

  1. Your past does not define you.
  2. Your future is ahead of you, not behind you.
  3. No matter how filthy you have been, when you run to God, He embraces you, forgives you, and gives you a new life, and a new identity in Him.
  4. He loves you despite the cracks.

Ugat ng pag-alma ni Venus ay ang rebelasyon nito sa isang panayam, na nakipagrelasyon siya sa isang 28-years old noong siya ay 16-years old lamang.

Dito aniya ay inosente pa siya kung saan na-compromise ang kanyang pagkababae na nauwi sa unang beses na pakikipagtalik sa lalaking 12 taon ang tanda sa kanya, pero naghiwalay din sila matapos ang halos dalawang taon nang makabuntis ng ibang babae.

“I was introduced to things that I shouldn’t be introduced (to). First sexual experience and I thought, siguro ganito talaga,” wika ni Raj kay Toni Gonzaga.

Sa ngayon daw ay natuto na siya, bagama’t pitong taon nang walang boyfriend.

Sinasabing sabik sa pagkakaroon ng “father figure” si Venus dahil hindi siya lumaki sa poder ng kanyang Indian na ama.

Kung maaalala, sa panahon ni Venus nagsimula ang pagkakaroon ng bansag sa mga pagrampa sa Miss Universe sa pamamagitan ng kanyang pilapil walk, at pinaniniwalaang daan para sa magagandang ranking ng Pilipinas sa international beauty pageants.

Naging patok ang “major major” sa sagot nito noong 2010 coronation sa tanong ng American actor na si William Baldwin kung ano ba ang pinakamalaking pagkakamali nito sa buhay at paano niya ito naitama?

Narito ang kanyang sagot. “You know what, sir, in my 22 years of existence I can say that there’s nothing major, major problem that I’ve done in my life because I’m very confident with my family, with the love that they are giving to me. So thank you so much that I’m here. Thank you, thank you so much!”