-- Advertisements --

Umatras na si dating world number 1 Venus Williams sa paglalaro sa BNP Paribas Open sa Indian Wells.

Kinumpirma ni tournament director Tommy Haas ang hindi pagsali na ni Williams.

Ang anunsiyo ay isinagawa matapos na ipinahayag ni Williams sa isang podcast na hindi ito maglalaro.

Paliwanag ng 44-anyos na tennis star na magtutungo ito sa ibang bansa kaya hindi siya makakapaglaro.

Ito sana ang unang pagsabak niya matapos ang first round na pagkatalo noong Miami Open 2024.