-- Advertisements --

Naitala ni US tennis star Venus Williams ang kaniyang ika-90 Grand Slam appearance ng magwagi ito sa unang round ng Wimbledon.

Tinalo kasi ng 41-anyos na si Williams ang pambato ng Romania na si Mihaela Buzarnescu sa score na 7-5 at 4-6.

Unang naglaro ang 41-anyos na si Williams sa Wimbledon noong 1997 at ito na ang kaniyang pang 23 appearance sa torneo.

Susunod na makakaharap nito sa susunod na round si Ons Jabeur ng Tunisian.