-- Advertisements --

Nananawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang mga gobernador ng limang kinauukulang lalawigan para sa deklarasyon ng Verde Island Passage bilang isang protektadong lugar.

Ito ay tinuturing ng mga eksperto bilang center of the center of marine shore fish biodiversity sa mundo.

Ayon kay DENR Secretary Antonia Loyzaga ito ay tahanan ng higit sa 300 coral species, 170 species ng isda at libu-libong marine organism tulad ng pating at pagong; at nagbibigay ng kabuhayan at iba pang benepisyo sa mahigit dalawang milyong tao.

Ayon kay Loyzaga, ang Verde Island Passage ay kasalukuyang marine protected area ngunit nais ng mga gobernador na ito ay maging legislated protected area.

Dagdag niya, ang pinakamataas na antas ng proteksyon para sa kung ano ang itinuturing na sentro ng marine biodiversity sa mundo ay mananatiling Verde Island Passage bilang isang santuwaryo sa libu-libong marine species at hindi limitado sa mga aktibidad sa negosyo na nagbabanta sa malinis nitong ecosystem.

Ayon sa DENR, ang marine corridor ay napapaligiran ng mga lalawigan ng Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Nagkasundo sina Loyzaga, Batangas Governor Hermilando Mandanas, at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. na itulak ang panawagan sa kanilang pagpupulong sa banta ng oil spill sa Oriental Mindoro kamakailan.