-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagdulot ng kaligayahan at binigyang-papuri ng minority sector sa Estados Unidos ang sentensyang guilty ng jury sa akusado at dating pulis na si Derek Chauvin.

Kaugnay ito ng tatlong kasong isinampa sa pagpatay sa Black American na si George Floyd sa Minnesota.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Marlon Pecson sa Chicago, Illinois, kinilala umano ng maraming Amerikano maging ang mga komunidad ng ibang nationalities na nasa US, ang makasaysayang verdict.

Patunay lamang umano kasi ito sa umiiral na rule of law at kumpiyansa sa bumubuting justice system.

Umaasa naman ang karamihan na sa pamamagitan ng sentensya laban kay Chauvin, mas maging maayos ang pakikitungo sa minorities sa US, mapaigting ang policing acts at sistema kan hudikatura.

Ang pagkasawi ng 46-anyos na si Floyd, ang isa sa mga nakapagpasiklab ng mga protesta kontra sa racial injustice at police brutality sa Amerika.