-- Advertisements --
Ikinagalit ng China ang inilabas na T-shirt na luxury brand na Versace na nagpapakitang independent ang Hong Kong at Macau.
Matapos ang kumalat sa social media ay agad na humingi nang paumanhin ang Versace.
Itinigil na rin nila ang pagbebenta ng nasabing uri ng T-shirt.
Sa inilabas na pahayag ng Versace, nirerespeto raw nila ang soberenya ng territorial state na China.
Ang Macau kasi ay isang special administrative region ng China habang ang Hong Kong ay nasa special status ito ng China.