-- Advertisements --

Nabasag ni Formula One racer Max Verstappen ang kaniyang record matapos makuha ang ika-10 sunod na panalo sa Italian Grand Prix.

Sa unang bahagi ng karera ay nahigitan ang Dutchman ni pole-winner Carlos Sainz ng Ferrari.

Subalit pagdating ng ika-14 na lap ay doon nagkaroon ng pagkakamali ang Spanish driver.

Pumangalawa sa nasabing karera si Sergio Perez.

Dahil sa nasabing panalo ay nahigitan nito si Sebastian Vettel na mayroong siyam lamang na sunod na panalo na nakamit nito noong 2013.