Pumanaw na ang beteranong actor na si Carlos Salazar sa edad 90.
Sinabi ng kaniyang anak na si Anton Ram Fernandez Roldan na hindi na nagising pa ang ama pasado alas-dos ng madaling araw sa kanilang bahay sa Quezon City dahil na rin sa kumplikasyon sa sakit at katandaan.
Inamin nito na gumaling ang ama matapos na dapuan ng COVID-19 noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng anak nito na mas lalong nagpahina sa ama ang pandemya dahil sa nalimitahan ang paglabas nito kung saan maraming mga kaibigan nito ang pumanaw na rin na siyang nagpahina sa kaniyang katawan.
Nauna ng pumanaw ang ina nito na si Carmen Fernandez noong 2014 dahil sa leukemia at aneurysm.
Sumikat ang beteranong actor noong dekada 50 kung saan matapos na madiskubre ito sa bilang stage actor sa Far Eastern University.
Bukod sa pagiging actor ay pinasok din niya ang pagiging movie director at producer na siyang humawak sa mga pelikula ng namayapang bayaw na si Eddie Fernandez-Salazar.