Pumanaw na ang beteranong actor na si Robert Arevalo sa edad 85.
Inanunsiyo ng anak nitong si Anna Ylagan sa social media na sumakabilang buhay ang ama nitong 10:17 ng umaga ng Agosto 10.
Hindi na nagbigay pa ng detalye ang anak sa pagpanaw ng ama na si Robert Francisco Ylagan sa tunay na buhay.
Ilalagak ang bangkay nito sa Arlington Chapels sa Quezon city sa darating na Sabado at Linggo.
Ang actor ay pamilya ng mga artista dahil ang ama nito na si Tito Arevalo habang tiyuhin naman nito ang beteranong director at National Artist na si Gerardo de Leon.
Isinilang noong Mayo 6, 1938 sa Dumaguete City at nag-aral sa San Beda College.
Nagtapos siya ng college of education sa Ateneo de Manila University at kumuha ito ng Business Administration.
Nagsimula siya bilang drama actor haban ang asawa nitong si Barbara Perez ay contract star ng Sampaguit Pictures.
May dalawa silang anak na sina Gina at Anna na kapwa nagtapos sa University of the Philippines.
Taong 1990 na magwagi ito ng best supporting acotr sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pelikulang “Ama Bakit Mo Ako Pinabayaan? ” na pinagbidahan noon ng mag-amang Ricky Belmonte at Sheryl Cruz kasama sina Marita Zobel, Gretchen Barreto at Jestoni Alarcon.