-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang actress na si Angie Ferro sa edad na 86.

Kinumpirma ng kaniyang apo na si Lorelie Futol ang pagkapanaw ng actress at hindi na ito nagbigay pa ng anumang detalye.

Noong 2022 ng ma-ospital ang actress matapos na magkaroon ng minor accident.
Makailang beses na rin itong nakaranas ng strokes noong mga nakaraang mga taon.

Nagwagi ito ng Best Actress noong 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa pelikulang “Lola Igma”.

Isinilang noong Agosto 4, 1937 sa Baleno, masbate at gumawa ng pangalan ng bumida sa 1978 na pelikulang “Pagputi ng Uwak… Pag-itim ng Tagak” at noong 2004 na pelikulang “Ebolusyon ng isang Pamilyang Pilipino”.

Huling pelikula na kaniyang nagawa ay ang “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” na kasama ang actor na si Joshua Garcia.