-- Advertisements --
https://www.instagram.com/p/B98NEKzA2p_/?utm_source=ig_web_copy_link

Todo pagmamalaki ang veteran actress na si Coney Reyes sa ginagawa ng kanyang anak na si Mayor Vico Sotto para sa mga taga-Pasig para pangunahan ang laban kontra Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa kanyang Instagram account natuwa raw ito sa ipinadalang video sa kanya na makikitang may panahon pa ring magbiro sa kabila ng bigat na problema.

Sigurado raw ito na ang sense of humor ng anak ay namana sa ama nito na si Vic Sotto.

Kasabay nito pinasalamatan ni Ms. Reyes ang mga staff na nakapaligid sa kanyang anak.

Una nang naging trending sa social media si Mayor Vico dahil sa mga diskarte nito na ginagawa upang maibsan ang epekto ng virus sa kanilang siyudad.

Vico Sotto pasig

Nakabanggaan pa nito ang DILG sa isyu ng tricycle kaya nabuo ang hashtag na “#Protect Vico” na ginawa ng kanyang mga supporters.

“Thank you so much to all the men and women who tirelessly work alongside Vico! Bilib ako sa inyo!” bahagi pa ng pahayag ni Coney. “Maraming Salamat sa walang patid na tulong at suporta! God is your ultimate Rewarder! I would also personally like to thank all the people who continue to pray for Vico and his team!”

Mayor vico sotto covid disinfect