-- Advertisements --

Umatras na para maging presenter sa Oscars Award ang beteranang actress na si Glen Close.

Ayon sa kampo ng actress na dinapuan siya ng COVID-19 ilang araw bago ang Oscars Award ngayong Lunes oras sa Pilipinas.

Kuwento ng kampo nito na patuloy ang pagpapagaling nito kung saan ito ay nagpapahinga na.

Hindi naman malinaw kung may napili na ang organizers na papalit para maging presenter.

Ilan sa mga napiling presenters ay ang mga actors na sina Samuel L. Jackson, Michael B. Jordan, Antonio Banderas, Halle Berry, Nicole Kindman, John Travolta at maraming iba pa.