Pumanaw na ang beteranang actress na si Mona Lisa sa edad 97.
Kinumpirma ito ng anak niyang si Evangeline Bacobo at Kathleen Guinto matapos matagpuan itong wala ng buhay sa kanilan bahay sa BF homes, ParaƱaque.
Nakilala ang actress sa pagganap sa mga pelikula ng sikat na director na si Lino Brocka sa pelikulang “Insiang” at “Cain at Abel”.
Siya ay bedridden na mula pa noong 2016 at ayaw ng kumain mula pa noong Agosto 22.
Kilala ang actress o Gloria Yatco Guinto sa tunay na buhay na siyang kinokonsiderang top character actress.
Nagsimula ang acting career nito noong 1930 na unang lumabas sa pelikula ni Carlos Padilla Sr. na “Ang Pagbabalik” kasama si Armando Cris, Gerardo de Leon, Lucita Goyena at Angel Esmeralda.
Matapos ang World War II ay pinalitan niya ang kaniyang pangalan sa Mona Lisa.