Itinalaga ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) si Russel Mora Jr na maging referee sa laban ni Manny Pacquiao at Yordenis Ugas sa darating na Agosto 22 sa Las Vegas.
Ito na ang pangalawang beses na naging referee si Mora sa laban ni Pacquiao na ang una ay noong Enero 2019 ng talunin ng Filipino boxing champion si Adrien Broner.
Magiging judges naman sina Dave Moretti, Patricia Morse Jarman at Steve Weisfield.
Sina Moretti at Jarman ay pawang mga Nevada-based judge habang si Weisfeld ay tag- New Jersey.
Tanging si Weisfield lamang ang unang beses na maging judge sa 71 na laban ng Filipino boxing champion.
Limang beses sa huling pitong laban ni Pacquiao naging judge si Moretti kung saan nagbigay ito ng 115-112 na score pabor sa boxing senator laban kay Keith Thurman.
Habang si Weisfeld ay naging judge sa laban ni Pacquiao kay Timothy Bradley noong Abril 2016 kung saan pinaburan niya ang Pinoy boxing champion sa score na 116-110.