Itinalaga bilang head coach ng United City Football Club (UCFC) ang British-Australian na si Trevor Morgan.
Isang kilalang football manager si Morgan na siyang namuno sa Bhutan National Team sa Indian Super League.
Nakakuha ito ng walong trophies sa loob ng tatlong season kabilang na ang Calcutta Cup mula 2012-2013 at Calcuta League mula 2011-2013 at 2016-2017.
Pinamunuan din nito ang East Bengal ng Indian club kung saan umabot pa sila sa quarterfinals na mayroong unbeaten record sa 2013 AFC Cup.
Tumayo siyang head coach ng Sorrento Soccer Club sa Western Australi mula 1997 hanggang 2001.
Kinuha siyang assistan coach para sa Hully City FC mula 2008-2009 na siyang naging unang Australian coach na nakapasok sa English Premiere League.
Ayon kay United City Football Club (UCFC) co-founder Eric Gottschalk, na dahil sa malawak na karanasan ni Trevor sa iba’t-ibang liga ng football gaya sa English Football League, English Premiere League, Indian Super League, Singapore S-League, Western Australlian State League at maraming iba pa ay tiyak na magiging matagumpay ang kanilang koponan.
Sinabi naman ni Morgan na sabik na itong pamunuan ang mga magagaling na manlalaro ng UCFC.