Binitawan na ng Phoenix Suns ang batikang forward na si Nassir Little at sophomore guard na si EJ Liddell, para magkaroon ng bakante o open spot para sa 2024 – 2025 season.
Si Little ay dating first-round pick ng Portland Trail Blazers noong 2019 at na-trade sa Suns nitong nakalipas na taonbilang bahagi ng Damian Lillard-Jrue Holiday blockbuster trade sa pagitan ng tatlong NBA team.
Sa loob ng 45 games at isang season na paglalaro niya sa Suns, nagawa niyang magpasok ng 3.4 points per game at 1.7 rebounds per game.
Si Lidell naman ang 2nd-round pick at pinili ng New Orleans Pelicans noong 2022. Gayonpaman, hindi naging madali ang kanyang paglalaro matapos agad mainjury habang naglalaro sa Summer League sa taon kung kailan siya na-draft.
Agad siyang bumalik noong nakalipas na season ngunit naglaro lamang siya ng walong games habang pabalik-balik siyang pinagsasanay sa G League.
Noong July, nalipat siya sa Atlanta Hawks bilang bahagi ng Dejounte Murray deal ngunit tuluyan ding inilipat sa Suns kapalit ni David Roddy.
Ngayong offseason, ang naging hakbang ng Suns ay ang halos nag-iisang aktibidad sa ilalim ng NBA ngayong lingo, kasabay ng tuloy-tuloy na pagpapahinga ng liga bago sa nakatakda nitong pagbubukas sa Octobre, dalawang buwan mula ngayon.