Babalik muli sa Cleveland Cavaliers ang beteranong forward na si Tristan Thompson, ilang taon mula nang ma-trade siya sa ibang koponan.
Si Thompson ay isa sa mga pangunahing player ng Cavs noong 2016 championship rin ng koponan kontra Golden State Warriors kung saan naipanalo ng Cavs ang unang kampeonato nito.
Nitong nakalipas na season, nakapaglaro pa siya ng 49 games ngunit nasuspinde siya ng 25 games matapos magpositibo sa drug test.
Pero batay sa unang statement ng Cavs, nakahanda muli ang koponan na kunin ang beteranong NBA champion matapos ang naturang suspension, at alukin muli siya ng isang taong kontrata.
Malaking bahagi ng 11 season na karera ni Thompson sa NBA ay ginugol niya sa Cavs.
Ilang beses siyang lumipat ng team mula nang i-trade ng Cavs ngunit tuluyan sing bumalik sa naturang koponan hanggang sa patawan na siya ng 25-game suspension.
Siya ay ang ika-apat na overall pick noong 2011 at pinili ng Cavs.